Juan Guaido, kinilalang Venezuela interim president

Kinilala ng European Union parliament bilang Interim president ng Venezuela si Juan Guaido.

Sa nangyaring botohan, 429 na EU Congressmen ang pumabor, 104 ang kontra habang 88 ang nag-abstain.

Ayon sa EU, kikilalanin bilang Venezuelan leader si Juan Guaido hanggang sa magkaroon ng transparent at credible elections.


Bukod sa EU, ang Estados Unidos at 20 iba pang bansa ay kinikilala ang pagiging Interim president ni Juan Guaido.

Facebook Comments