Isinagawa ng tanggapan ng Department of Trade and Industry Pangasinan ang programang, “Juana Make a Mark” na siyang nagsusulong sa trademark registration sa mga kababaihang negosyante.
Sa pakikibahagi ng iba’t ibang sektor sa lokal na gobyerno sa lalawigan at Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) ay naisakatuparan ang pagsasagawa ng nathranf awareness seminar.
Ibinahagi dito ng IPOPHL ang kahalagahan ng pagprotekta sa isang brand at mga pagpapaangat pa rito sa pamamagitan ng IP registration.
Isinagawa ito sa pamamagitan ng isang hybrid session sa tulong mga Negosyo Centers upang makasama ang mga MSMEs sa buong lalawigan.
Hindi lamang ito karagdagan kaalaman bagkus ay pagpapaangat rin sa mga kababaihan sa mundo ng pagnenegosyo maging pagpapalakas rin sa sektor ng MSMEs. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









