Juancho Trivino, Joyce Pring ibinunyag ang relasyon

Instagram @joycepring

Juanchoyce is real!

Mula sa pagiging mag co-host, umamin na ang Unang Hirit hosts na si Joyce Pring at Juancho Trivino na sila ay mag boyfriend-girlfriend na.

Sa latest vlog ni Juancho na “Question and Answer VLOG (THE REVELATION)”, sinagot ng dalawa ang huling tanong na “Kayo na ba?”


At sinabi nga ni Joyce, “Because we didn’t want to make a big deal out of it. So the answer is… yes.”

Nagpost naman kahapon si Joyce ng photo nila ni Juancho na nasa Batangas.

Sa caption, inanyayahan niya ang followers na panoorin ang latest video sa YouTube channel ni Juancho.

At tinapos ang post sa “Not that it’s of utmost importance to the current climate of our society, but we thought you should know, #SinagotKoNa101,” Pring added. “I love you too, @juanchotrivino.”

2016 nang maging host sa Unang Hirit si Juancho, habang 2018 naman nang naging co-host niya si Joyce.

Facebook Comments