Pasado ala-1:00 ngayong hapon nang tuluyan nang lisanin ang Las Piñas City Jail ni Juanito Jose Remulla III, anak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Ito ay matapos na maabsuwelto ang nakababatang Remulla sa kasong illegal drug possession.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag sa media ang anak ng kalihim.
Si Juanito Remulla III ay inaresto noong October 11,2022 matapos tumanggap ng parcel na naglalaman ng 1.3 milyong piso na halaga ng high grade marijuana.
Batay sa desiyon ni Las Pinas City RTC Judge Ricardo Moldez II, hindi nakasunod ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa chain of custody sa inventory ng nasamsam na marijuana kaya na-acquit si Remulla.
Bigo rin aniya ang PDEA na mapatunayan na importer si Remulla at wala ring ebidensya na sa kaniya ang package na naglalaman ng marijuana.