Judge Leonila Gorgolon nanumpa na bilang mamuno ng Regional Trial Court Branch 30 ng Surigao Del Norte

Judge Leonila Gorgolon nanumpa na bilang mamuno ng Regional Trial Court Branch 30 ng Surigao Del Norte Nanumpa na bilang Judge ng Regional Trial Court Branch 30 si Boardmember Leonila Gorgolon ng 1st district ng Surigao Del Norte. Ito’y sa pamamagitan ng Oathtaking Ceremonies kahapon sa lobby ng Governors Office. Nanumpa si Judge Gorgolon sa harap ni Surigao Del Norte Gov. Sol Matugas. Inihayag ni Judge Gorgolon na isang malaking responsibilidad ang pagiging huwes ngunit umaasa siyang may magagawa sa 1,300 pending cases sa sala ng RTC Branch 30. Diumano’y kinakabahan din siya sa posisyon at mga pangyayaring pagpatay sa iilang Judge ngunit idinadaan na lamang niya sa pagdarasal. Dagdag pa nito, ang pag-resign niya bilang boardmember, pagbibigaydaan sa ibang aspeto sa serbisyo-publiko, mula sa pulitika papunta sa Judiciary.

Facebook Comments