Judge sa ikatlong drug case ni De Lima, pina-i-inhibit ng DOJ

Pina-i-inhibit ng Department of Justice (DOJ) si Muntinlupa RTC Branch 204 Judge Abraham Joseph Alcantara sa pagdinig sa ikatlo at huling drug case ni dating Senador Leila de Lima.

Nai-raffle sa sala ni Alcantara ang ikatlong drug case ni De Lima matapos mag-inhibit si Judge Romeo Buenaventura.

Matatandaang si Alcantara rin ang duminig sa ikalawang drug case ng dating senador at inabswelto ito dahil sa pag-urong ng testimonya ng mga testigo.


Sa apat na pahinang Motion for Voluntary Inhibition, iginiit ng prosecution panel na nararapat magbitiw sa paghawak ng naturang kaso si Alcantara upang maalis ang anumang pagdududa sa magiging desisyon nito lalo pa’t nananatiling kwestiyonable sa DOJ ang naging desisyon nito sa ikalawang drug case ni De Lima.

Iginiit ng panel of prosecutors na kailangang matiyak ang patas na paggalaw ng hustisya, kung kaya’t hiniling nito na muling mai-raffle ang kaso sa ibang hukom.

Facebook Comments