Hindi pa magbubukas ng aplikasyon o nominasyon ang Judicial and Bar Council (JBC) ng para sa posisyong overall deputy Ombudsman.
Ito ay matapos ang tuluyang pagsibak ng Malacañan kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.
Ayon kay Justice Secretary at JBC ex-officio member Menardo Guevarra, puwede pa raw kasing iapela sa Court of Appeals (CA) o sa Supreme Court (SC) ang naging desisyon ng Malacañan.
Maaari lamang aniyang magbukas ng nominasyon o aplikasyon ang JBC kapag pinal na ang desisyon ng Office of the President (OP).
Tinanggal sa puwesto si Carandang matapos mapatunayang guilty sa kasong graft at nilabag din daw nito ang code of ethics kasunod ng isinagawa nitong imbestigasyon sa ari-arian ni Pangulong Duterte.
August 2017 nang i-dismiss si Carandang ng Office of the President pero naghain ito ng motion for reconsideration subalit nabasura rin ang apela nito