Manila, Philippines – Muling pipili ang Judicial and Bar Council mula sa 13 aplikante para sa mababakanteng pwesto sa Korte Suprema.
Ito ay kasunod na rin ng nalalapit na pagreretiro sa pwesto ni Supreme Court Associate Justice Jose Mendoza sa darating na bwan ng Agosto.
Kabilang sa listahan ng mga aspirante ay si CA Presiding Justice Andres Reyes, CA Associate Justices Ramon Bato Jr., Apolinario Bruselas Jr., Rosmari Carandang, Stephen Cruz, Japar Dimaampao, Ramon Paul Hernando, Amy Lazaro-Javier, Jose Reyes Jr., Samuel Gaerlan.
Kasama din sina Court Administrator Jose Midas Marquez; Deputy Ombudsman for Luzon Gerard Mosquera; at Sandiganbayan Associate Justice Alexander Gesmundo.
Sa nabanggit na 13 aplikante, tangging sina Mosquera, Gaerlan at Gesmundo na lamang ang sasalang sa public interview ng JBC sa July 4 dahil karamihan sa mga ito ay sumalang na sa interview dahil una na silang nagpahayag ng intensyon na makapasok sa Kataas Taasang Hukuman kasunod ng nakatakdang pagreretiro sa pwesto ni SC Associate Justice Bienvenido Reyes sa Hulyo a-sais.