“Judicial Cleansing”, paiigtingin ng Korte Suprema kasunod ng pagkalas ng Pilipinas sa ICC

Mas paiigtingin ng korte suprema ang paglilinis sa hudikatura kasunod ng pagkalas ng pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin – tuloy-tuloy na trabaho ng umuupong punong mahistrado ang paglilinis sa hudikatura at sa hanay ng mga abogado.

Ang kaibahan lang aniya ngayon, may mga kinahaharap na isyu at kontrobersya ang hudikatura at ito ngayon ang kanyang prayoridad.


Ayaw daw niyang mangyari na pati sa korte ay mawalan ng tiwala ang publiko dahil wala na silang ibang matatakbuhan sakaling pumalya ang Judicial Department sa bansa.

Matatandaang isa ang “judicial cleansing” sa mga inilatag na programa ni bersamin nang pormal siyang maupo bilang chief justice noong nakaraang taon.

Facebook Comments