
Pinalalaanan ng pondo ni Senate President Pro-Tempore Ping Lacson ang Judicial Integrity Office (JIO) na inaasahang makatutulong sa pagpapalakas ng kampanya ng hudikatura laban sa katiwalian.
Nasa P250 milyon ang inisyal na pondong inilaan para sa tanggapan.
Iginiit ni Lacson na dapat maibigay ang naturang pondo dahil kung ikukumpara sa daan-daang bilyong pisong nawawala sa bansa dahil sa korapsyon, napakaliit lamang ng kinakailangang halagang ito.
Tiwala si Lacson na sa pagpapatakbo ng JIO, mapatitibay nito ang pananagutan ng mga hukom, opisyal, at kawani ng mga korte.
Inaasahan ding maisusulong ng JIO ang integridad sa hudikatura at matutugunan ang mga isyu ng korapsyon sa loob ng sistema.
Facebook Comments









