Judiciary Help Desk, pormal nang inilunsad ng Korte Suprema

Pormal nang inilunsad ng Korte Suprema ang help desk nito na layong mas maging abot-kamay ng masa ang Hudikatura

Pinangunahan ni Chief Justice Diosdado Peralta ang launching ng “Judiciary Public Assistance Section o JPAS” o ang Judiciary Help Desk, sa Supreme Court Centennial Building sa Padre Faura, Maynila.

Ayon kay Peralta, ang Judiciary Help Desk ay kanyang brain child o parte ng kanyang 10-point program bilang punong mahistrado


Ang JPAS, na nasa ilalim ng Office of the Chief Justice, ay binubuo ng tatlong units — ang Help Desk Unit, Hotline Unit at Email Messaging Unit.

Sa pamamagitan ng JPAS, magkakaroon na ng ugnayan ang Hudikatura, stakeholders at ang publiko.

Tiniyak naman ni Perelta na magiging confidential ang ano mang sumbong na tatanggapin sa Judiciary Help Desk.

Dapat din aniyang maaksyunan ang mga sumbong  sa loob ng labing-limang araw.

Ang itinakdang hotline numbers ay 0285266185, 0285529644 at 0285529646. Habang mayroon ding email address, gaya ng chiefjusticehelpdesk@sc.judiciary.gov.ph.

Tiniyak naman ng Korte Suprema na ang tatlong units ay bukas sa publiko mula Lunes hanggang Biyernes, mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon, maliban na lamang kung holidays.

Facebook Comments