Judy Ann Santos, ibinahagi ang suporta ng kaniyang asawa sa mga plano nito sa buhay

139

Manila, Philippines – Charming, ito ang mga binitawang salita ni Judy Ann Santos matapos itanong sa kaniya kung paano nito made-describe ang asawang si Ryan Agoncillo.
  Sa ginawa kasing interview kay Juday para sa nalalapit nitong show sa kapamilya network, hindi daw mapagkakaila na 100 percent na suporta ang ibinibigay ng kaniyang asawa partikular sa mga proyekto nito maging sa pag-alaaga ng kanilang pamilya.
 
Ibinahagi din ng aktres kung paano ang naging simula nila ni Ryan na kung saan sila daw ay nasa “at the right time, at right moment” ng sila ay magsama.
  Kanila din daw pinag-uusapan ang mga problema kaya’t kapwa nila itong nalalampasan dahil marami na ang kanilang pinagdaanan.
  Sa ngayon, todo paghahanda pa rin si Judy Ann sa kaniyang show at hindi na din ito nag komento pa sa mga pahayag ng kaniyang dating manager na si Alfie Lorenzo.
 
 

Facebook Comments