Judy Ann Santos, ipinagtapat na sa anak na si Yohan ang tunay na katauhan!  Prince Harry at asawang si Meghan, pasok sa Guiness World Record

The few Philippine Army Soldiers that were lucky enough to have been issued Body Armor, taken during Balikatan 2012. Photo courtesy of the US DVIDS website.

Ipinagtapat na ng aktres na si Judy Ann Santos-Agoncillo sa tunay na katauhan ng kanyang anak na si Yohan.

Kwento ng celebrity mom, isang araw nakita niya sa history na kanyang gadget na nagre-research si Yohan kung tungkol sa kanya.

Dahil sa takot na malaman ni Yohan ang katotohan sa ibang tao, sinabi na daw ni Juday na siya ay adopted.


Matapang naman daw na tinanggap ni Yohan ang katotohanan kung saan kahit ampon daw siya ay tunay naman na anak kung ituring siya nila Juday at Ryan.

Samantala, hawak na ngayon nina Prince Harry at Meghan, ang Duke at Duchess ng Sussex, ang Guinness World Records sa mayroong pinakamaraming followers sa instagram sa loob ng hindi bababa sa anim na oras.

Umabot kasi sa 2.7 Million ang followers ng mag-asawa, ilang oras lang matapos ilunsad ang kanilang bagong social media account na may account name na “sus-sex-royal”.

Una nang hawak ang nasabing World Record ng South Korean K-Pop Singer na si Kang Daniel at ni Pope Francis na may kapwa one million followers.

Facebook Comments