Judy Ann Santos, nakamit ang pangatlong Best Actress Award para sa pelikulang ‘Mindanao’

Nakamit ng aktres na si Judy Ann Santos ang Best Actress Award sa 2020 Gawad Tanglaw para sa pelikulang ‘Mindanao’ sa kategoryang sining sa pelikula.

Ito na ang pangatlong Best Actress Award ng aktres para sa pelikulang Mindanao kung saan naganap ang una sa 41st Cairo International Film Festival, ang first ever international acting award niya, na nasundan noong December 2019 para naman sa Metro Manila Film Festival.

Maliban sa Best Actress Award, nakamit din ng pelikulang Mindanao ang pagkilala para sa; Best Picture, Best Director, Best Editing, Best Story at Best Screenplay.


Ang Gawad Tanglaw ay isang award-giving body na pinaparangalan ang mga “the best” base sa kanilang panlasa sa larangan ng pelikula, telebisyon, radio at print media.

Gaganapin ang invitational awards night ng Gawad Tanglaw 2020 sa September 20, 2020 sakaling maging maayos na ang bansa dahil sa COVID-19.

Facebook Comments