Julia Barretto at Gerald Anderson ni-like ang IG post na “there’s always two sides to every story”

1699
Image via Twitter/Black Sheep Productions

Pinaguusapan ulit sa social media ang kontrobersiyang kinasangkutan nina Gerald Anderson at Julia Barretto matapos nilang i-like ang isang “there’s always two sides to every story” Instagram post ng isang tagahanga.


Ipinost ng fan group na @geraldnaticxofficial ang patamang quote isang araw matapos ibinuyag ni Bea Alonzo na wala silang formal break up ng aktor dahil bigla nalang siyang hindi nagparamdam.

Ayon sa post, “There’s always two sides to every story. If you’re unwilling to hear the other side, and only draw your conclusion from a half told story, then you’re choosing to be a manipulated fool.”

Dinagdagan pa ito ng African proverb na: “Until the lion learns to write, every story will always glorify the hunter.”

 

Pahayag ng ilang netizens, nananatili man tikom ang bibig, gumagawa na umano sila ng paraan para sagutin ang isyu.

Matatandaang nasa hot seat ang dalawa matapos mag-post si Bea ng itim na litrato na simbolo ng paulit-ulit na pagkakamali ng isang tao at nilike umano ng aktres ang larawan na magkasama sina Julia at Gerald.

Facebook Comments