Julia Barretto, handang iwan ang Showbiz at gustong magkapamilya

Ginulat ng aktres na si Julia Barretto ang lahat ng sabihing handa na siyang magkapamilya sa taong 2022.

Sa YouTube channel kasi ni Gerald Anderson, natanong nito ang aktres kung ano ang plano ng nobya sa susunod na lima o sampung taon.

Diretsa at nakangiting sagot ni Julia na gusto niyang magkaroon ng pamilya sa susunod na taon.


Tahasan ding sinabi ni Julia na handa siyang iwan ang karera sa showbiz para sa pagpapamilya.

Lagi raw niyang iniisip ang pagkakaroon ng tamihik at simpleng pamila.

Matatandaang taong 2020 ay naging bukas si Julia sa pagsasabing pangarap niya talaga ang magkaroon ng sariling pamilya sa murang edad.

Facebook Comments