Nagsalita na si Julia Barretto kaugnay sa isyung iniwan niya umano si Joshua Garcia sa after-party ng ASAP Natin ‘To Bay Area sa San Francisco, California, noong Sabado, Agosto 3, oras sa Estados Unidos.
Sa pamamagitan ng Twitter, nilinaw ng aktres ang alegasyong binabato sa kaniya ng ilang netizens.
Ayon kay Barretto, hiniling mismo ni Garcia na makipag-bonding at kumain nang mag-isa.
I did not leave Joshua alone. He opted & requested to be left alone. He asked to eat & mingle alone. Why are all these fingers being pointed at me YET AGAIN? Bakit nanaman siya kawawa sa naging choice and decision niya, and bakit kasalanan ko pa to? Wala kumakawawa sa kanya.
— JULIA (@BarrettoJulia) August 5, 2019
“Why are all these fingers being pointed at me YET AGAIN? Bakit na naman siya kawawa sa naging choice and decision niya, and bakit kasalanan ko pa to?,” sagot ni Barretto sa isang tagahanga.
Giit pa ng batang celebrity, “walang kumakakawa” sa dating katambal.
Batay sa huling tugon ni Barretto, mukhang nagpahiwatig siyang sasagutin na ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan.
Masyado nageenjoy tao gawin kawawa si Joshua sa lahat ng bagay, kahit wala na connection sa kahit na ano. May magawa lang na story. Trust me, the guy is ok. He enjoyed himself last night. Wala sila lahat alam. Wait lang kayo.
— JULIA (@BarrettoJulia) August 5, 2019
Sa series of tweet ni Roxy Liquigan noong araw na ‘yun, agaw-pansin na walang kasabay kumain sa mesa si Joshua at sinamahan siya ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Eto Ang table ni Kath and djp, then Nakita ni dj si joshua mag Isa sa table… pic.twitter.com/lG0QdVxs0B
— ROXYLIQUIGAN (@Roxy_Liquigan) August 4, 2019
At tumabi na sila Kay Joshua… pic.twitter.com/yEvFSCKY8L
— ROXYLIQUIGAN (@Roxy_Liquigan) August 4, 2019
At Eto pa… pic.twitter.com/OxADiuJgy3
— ROXYLIQUIGAN (@Roxy_Liquigan) August 4, 2019
Sa ngayon, wala pang reaksyon si Garcia sa panibagong isyung pinupukol sa dating nobya.