Julia Barretto hindi umano iniwan si Joshua Garcia sa after party ng “ASAP Natin ‘To”

1083
Image via starstyle.ph | Bruce Casanova

Nagsalita na si Julia Barretto kaugnay sa isyung iniwan niya umano si Joshua Garcia sa after-party ng ASAP Natin ‘To Bay Area sa San Francisco, California, noong Sabado, Agosto 3, oras sa Estados Unidos.


Sa pamamagitan ng Twitter, nilinaw ng aktres ang alegasyong binabato sa kaniya ng ilang netizens.

Ayon kay Barretto, hiniling mismo ni Garcia na makipag-bonding at kumain nang mag-isa.

“Why are all these fingers being pointed at me YET AGAIN? Bakit na naman siya kawawa sa naging choice and decision niya, and bakit kasalanan ko pa to?,” sagot ni Barretto sa isang tagahanga.

Giit pa ng batang celebrity, “walang kumakakawa” sa dating katambal.

Batay sa huling tugon ni Barretto, mukhang nagpahiwatig siyang sasagutin na ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan.

Sa series of tweet ni Roxy Liquigan noong araw na ‘yun, agaw-pansin na walang kasabay kumain sa mesa si Joshua at sinamahan siya ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.




 

Sa ngayon, wala pang reaksyon si Garcia sa panibagong isyung pinupukol sa dating nobya.

Facebook Comments