Julia Barretto, nagsalita na sa pambabatikos na natatanggap mula sa netizens

“I don’t want to judge my haters because i know what it’s like to be judged”

Iyan ang inihayag ng aktres na si Julia Barretto kasunod ng natanggap na batikos mula sa mga netizens matapos aminin nila ni Gerald Anderson ang kanilang relasyon.

Ayon kay Julia, simula pagkabata ay marami na siyang maituturing na admirers at haters.


Pero dahil sa suporta ng kaniyang pamilya ay nasanay na siyang maniwala sa “whether you do something good or bad, people will always have something to say.”

Sa ngayon, nanindigan si Julia na kung wala namang magandang ambag sa buhay niya ang sinasabi ng mga netizens ay hindi na niya ito pag-aaksayahan ng oras.

Facebook Comments