Julia Barretto, pormal nang nagsampa ng kaso vs Jay Sonza

122

Pormal nang nagsampa ng cybercrime complaint ang aktres na si Julia Barretto sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa dating brodkaster na si Jay Sonza.

Ito ay matapos ikalat ni Sonza ang tsismis sa Facebook na buntis si Julia, at si Gerald Anderson ang ama ng dinadala nito na wala namang katotohanan.

Ayon kay Julia, hindi niya palalampasin ang naturang tsismis dahil marami na rin siyang pinagdaanan.

Madalas din aniyang binabastos ang kaniyang pangalan at reputasyon kaya panahon na para panagutin ang nagpakalat ng tsismis.

Sa ngayon, hiniling na ng aktres sa NBI na imbestigahan ang malisyosong post ni Sonza.

Facebook Comments