Julia Barretto umiwas sumagot sa isyu nila ni Gerald Anderson

520

Sinabi ni Julia Barretto na mas nais niyang mag-focus sa “ASAP” show sa California nang humarap sa media sa unang pagkakataon matapos madawit ang pangalan sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Isa si Barretto sa mga magpeperform sa Bay Area event, na nakaiskedyul ngayong Sabado, Agosto 3, sa SAP Center sa San Jose.

Nang direktang tanungin ng entertainment reporter na si MJ Felipe kung kumusta na siya sa gitna ng intriga, ito ang sagot niya: “I’m excited. I’m excited for ‘ASAP’ in San Francisco. It’s actually my first time in San Francisco. I’m excited that I’m going to be with other artists also.”


Inulit lang ni Barretto ang naunang sagot nang hingin ang kanyang reaksyon tungkol sa kontrobersiya.

Samantala, inihayag din ni Joshua Garcia ang pagsuporta sa batang aktres  kaugnay sa alegasyong pinaparatang dito.

“Siyempre, naging karelasyon ko rin si Julia. Nasasaktan ako for her, sa nangyayari, pero I think makakabangon naman siya,” ani Joshua bago dumating si Barretto.



Magugunita pumutok ang kontrobersiya dahil sa itim na litratong pinost ni Alonzo sa Instagram account at may caption na: “Enough”. Kasabay nito, nilike din ng Kapamilya star ang mga “sweet photos” nina Julia at Gerald.

Facebook Comments