Julia, hindi raw nagpaalam kay Joshua para sa daring scenes nila ni Gerald Anderson

Inamin ng aktres na si Julia Barretto na hindi ito humingi ng permiso sa boyfriend na si Joshua Garcia para gawin ang mga daring scenes nila ni Gerald Anderson sa kanilang pelikula.

Say ni Julia, kung mabuti naman raw sa kaniya ang isang bagay ay hindi na niya kailangan humingi ng permiso sa iba.

Ang isa raw sa kaniyang natutunan sa kaniyang mommy Marjorie ay siya mismo ang kokontrol sa kaniyang buhay.


Inamin rin ni Julia na matagal niyang nasabihan si Joshua tungkol sa gagawing pelikula dahil gusto muna niyang kumpirmahin kung sino ang kaniyang magiging leading man.

Mapapanood ang movie nina Julia at Gerald na “Between Maybes” sa mga sinehan sa May 15.

Facebook Comments