Julia Montes, itinangging buntis at nagtatago sa Germany

1274

Itinanggi ng kampo ni Julia Montes na buntis ito at nagtatago sa Germany.

Umugong ang espekulasyon dahil “no show” si Julia sa ilang events gaya ng ABS-CBN Christmas special at sa special screening ng kaniyang advocacy film.

Pero giit ni Erickson Raymundo na manager ni Montes, totoong nasa Germany ang aktres kasama ang ama para sa holidays pero hindi totoong nagtatago siya doon dahil nagdadalantao.

Huling naiugnay si Julia sa kapwa Kapamilya actor na si Coco Martin pero walang naging pag-amin sa relasyon ng dalawa.

Facebook Comments