Julia, nagsalita na sa alegasyong sinaktan niya si Claudine Barretto

2497

Wala pong katotohanan.

Ito ang mariing pahayag ng aktres na si Julia Barretto sa alegasyong pisikal na nasaktan niya ang tiyahing si Claudine Barretto.


Kaugnay ito ng napabalitang kumprontasyon ng magkapatid na Claudine at Marjorie Barretto sa burol ng yumao nilang amang si Miguel Barretto kung saan nakisali raw si Julia nang magkasakitan ang ina at tiyahin.

Dahil sa insidente, isinugod sa ospital si Claudine matapos magtamo ng mga galos at mahilo.

Pero depensa ngayon ni Julia, hindi siya papayag ng sirain ang kanyang pamilya.

Bagamat hindi aniya siya nakikialam sa laban ng magkakapatid, naniniwala siya na lalabas din ang katotohanan.

Una nang pinatutsadahan ni Gretchen ang pagsuporta ni Julia sa sinasabing katotohanan ng ina nitong si Marjorie.

Say ni Gretchen, matuto raw munang rumespeto si Julia sa ama nitong si Dennis Padilla bago ito magsalita tungkol sa pagiging mabuting anak.

Facebook Comments

From Advertisers