Julian Ongpin, humarap na sa imbestigasyon ng NBI kaugnay sa pagkamatay ng painter na si Bree Jonson

Humarap na sa National Bureau of Investigation (NBI) si Julian Ongpin na huling nakasama ng painter na si Bree Jonson bago ito binawian ng buhay.

Si Julian ang anak ng negosyanteng si Roberto Ongpin na itinuturong person’s of interest sa pagkamatay ni Bree.

Tatlong abogado ang nakasama ni Ongpin sa pagharap sa Death Investigation Division ng NBI.


Ayon kay NBI Spokesman Ferdinand Lavin, nakikipagtulungan naman si Ongpin sa imbestigasyon pero tumanggi ang opisyal na sabihin ang mga isinalaysay nito sa kanilang pagtatanong.

Sa ngayon, pagkumpirma ni Lavin na hindi pa naisusumite ng Philippine National Police (PNP) sa NBI ang mga samples ng organs ni Jonson.

Facebook Comments