Pasado na sa House Committee on Revision of Laws ang pagkakaroon ng araw ng paggunita para sa panalo ng Pilipinas sa Arbitral Tribunal laban sa China kaugnay ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Sa ilalim ng inaprubahang panukala na iniakda ni Magdalo Representative Manuel Cabochan III, ang araw na July 12 ay idedeklarang special working holiday para ipagdiwang ang panalo ng bansa sa Arbitral Tribunal.
Ang holiday ay tatawaging West Philippine Sea Victory Day.
Wala namang pagtutol sa panukala ang Department of Foreign Affairs (DFA).
Hiniling naman ni Foreign Affairs Deputy Assistant Secretary Emmanuel Fernandez na magkaroon ng kaunting pagbabago sa panukala kung saan ipinabibigay sa ibang ahensya ang pagiging lead agency ng pagdiriwang.