July 17-23, idineklara ni PBBM na National Disability Rights Week

Iprinoklama ng Palasyo ng MalacaƱang ang July 17-23 bilang National Disability Rights Week.

Bahagi ito ng commitment ng bansa sa United Nations Convention on the Rights of Persons with Disabilities (UNCRPD).

This slideshow requires JavaScript.


Batay sa proclamation no. 597, inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Department of Social Welfare and Development o DSWD at ang National Council on Disability Affairs o NCDA na pangunahan ang selebrasyon ng National Disability Rights week.

Habang ang NCDA naman ang gagawa ng mga programa, aktibida, at mga proyekto na may kaugnayan sa seleberasyon.

Layunin ng UNCRPD na itaguyod, protektahan at tiyakin ang ganap at pantay na karapatang pantao at mga pangunahing kalayaan ng lahat ng taong may kapansanan at itaguyod ang paggalang sa kanilang dignidad.

Facebook Comments