Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na special non-working holiday sa buong Pasig City bukas, July 2. Para sa anibersaryo ng cityhood nito.
Batay sa proclamation number 758 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ay idineklara ang holiday para mabigyan ng pagkakataon ang mga taga Pasig City na ipagdiwang ang 446th anniversary nito at makilahok sa mga aktibidad na gagawin sa lungsod.
Batay naman sa panuntunan ng Department Of Labor and Employment ay makatatanggap ng karagdagang 30% ng arawang sahod ang lahat ng empleyadong papasok bukas sa Pasig City.
Facebook Comments