July 2024, idineklarang National Census and Community-based Monitoring System Month

Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang buong buwan ng Hulyo 2024 bilang “National Census and Community-based Monitoring System Month.”

Ito ay para suportahan ang pagsasagawa ng 2024 census of population at CBMS (POPCEN-CBMS) mula July hanggang September 2024.

Batay sa Proclamation No. 627, inatasan ang National Economic and Development Authority (NEDA), sa pamamagitan ng Philippine Statistics Authority (PSA) na manguna sa pagdiriwang.


Inatasan din ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na suportahan ang nasabing pagdiriwang.

Kamakailan ay inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na muli itong magsasagawa ng population census ngayong 2024 para i-update ang population count ng bansa.

Huling nagsagawa ng census ang PSA noong 2020 kung saan naitala ang populasyon ng Pilipinas sa 109 million.

Facebook Comments