Manila, Philippines – Arestado ang isang notoryus na ‘jumper boys’ na itinuturing na top 7 most wanted person ng Manila Police District (MPD).
Kinilala ang suspek na si Ronald Clarit, na nakatira sa loob ng Manila North Cemetery.
Kasong 2 counts of robbery ang kinakaharap ng suspek na si Clarit matapos nitong tangayin ang cellphone at iba pang gamit ng driver matapos na sumamp sa sasakyan habang binabaybay ang A. Bonifacio Drive sa Quezon City.
Nabatid na miyembro si Clarit ng ‘jumper boys’ o ‘spidermen’ na ang modus ay sumampa sa mga trak, bus, delivery at container van kung saan kinukuha nila ang pwedeng mapapakinabangan bago tumatalon habang tumatakbo ang sasakyan.
Facebook Comments