Jun Mar Fajardo, full support sa NBA Dream ni Kai Sotto

Full support si five-time PBA Most Valuable Player at San Miguel Beerman player JuneMar Fajardo sa pangarap ni dating ADMU Blue Eagle center Kai Sotto na makapaglaro sa NBA.

 

Sa April 1, nakatakdang lumipad papuntang Amerika si Sotto para mag-ensayo at maghanda sa NBA rookie draft sa 2021 o 2022.

 

Ayon kay Fajardo, masaya siya na tinanggap ni Sotto ang ‘once in a lifetime opportunity’ na ito na aniya’y pagkakataon na ng 7-foot-2 player para makamit ang kanyang NBA dream.


 

Pinasalamatan naman ni Sotto ang mga sumusuporta sa kanyang basketball career at tiniyak na paghahandaan niya ito ng husto.

 

Samantala, hawak pa rin ng Golden State Warriors ang top spot sa NBA Western Conference matapos pataubin ang Memphis Grizzlies, 118-103.

 

Bumida sa panalo ng Warriors sina Stephen Curry at Kevin Durant na kapwa nagposte ng 28 points.

Facebook Comments