June 12, pinapagdeklara ng Makabayan bloc bilang West Philippine Sea Day

Isinulong ng Makabayan Bloc ang pagdeklara sa June 12 bilang West Philippine Sea Day na layuning gunitain ang makasaysayang tagumpay natin sa 2016 Hague Ruling kontra sa pag-aangkin ng China sa mga pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea.

Nakapaloob ito sa panukalang inihain nina Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel, ACT Teachers Partylist Rep. France Castro at Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas.

Layunin ng panukala na maipabatid sa mga Pilipino ang kahalagahan ng nasabing Hague ruling at ang implikasyon nito sa ating soberenya, territorial integrity, marine resources.


Para naman sa Kabataan Partylist, ang pagsasabatas sa panukala ay isang malaking hakbang sa pagbuo ng isang independent foreign policy na maninindigan para sa ating sovereignty at territorial integrity.

Umaasa din ang Makabayan Bloc na mapapalakas ng panukala ang pagiging makabayan at pagrespeto sa ating kasarinlan ng mamamayang Pilipino lalo na ang mga kabataan.

Facebook Comments