June 19 na pagbubukas ng pasukan sa Marawi City– posibleng hindi pa rin matuloy

Manila, Philippines – Posibleng hindi pa matuloy sa Hunyo-19 ang pasukan sa Marawi City.

Sa interview ng RMN kay Department of Education Asec. Tonisito Umali – bagamat nagpahayag na si DepEd Sec. Leonor Briones ng pagbubukas ng klase, posibleng ipagpaliban pa rin ito dahil sa isinasagawang clearing operation sa lungsod.

Sakaling tumagal ang tensyon sa Marawi, sinabi ni Umali na naghahanap na ang DepEd ng mga paaralang, maaaring pasukan ng mga estudyante.


Sa tala ng DepEd, aabot sa 22,000 estudyante ang naapektuhan ng krisis sa Marawi.
DZXL558

Facebook Comments