Idineklara ng Malacañang na special non-working day ang Hunyo 20 sa Dagupan City para sa pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo nito bilang isang lungsod.
Base sa Proclamation No. 255 S. 2023 na inilabas ng Malacañang nito lamang ika-13 ng Hunyo kung saan ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin na ang proklamasyong ito ay mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng lungsod ng Dagupan na lumahok sa okasyon at tangkilikin ang pagdiriwang.
Matatandaan na idineklara ang Dagupan bilang isang lungsod noong Hunyo 20, 1947, sa pamamagitan ng Republic Act No. 170 kung saan ang batas na ito nagsasabing isang City Charter ang Dagupan, na inakda ni Speaker Eugenio Perez noon.
Ayon sa website ng lungsod, ang Dagupan ay orihinal na pinangalanang ‘Bacnotan’ ng mga Augustinian missionaries.
Noong 1660, pinangunahan ni Andres Malong, isang lokal na pinuno ng Binalatongan, ang Malong Revolt ng mga Pilipino laban sa mga Kastila.
Matapos ang pag-aalsa, muling itinayo ng mga lokal ang kanilang bayan. Upang gunitain ang pagtitipon ng mga puwersa sa ilalim ni Malong, ang lugar ay pinalitan ng pangalan na Nandaragupan, na sa lokal na diyalekto ay nangangahulugang, ‘kung saan nagkikita ang mga tao.’
Noong 1780, ang pangalan ay pinasimple sa ‘Dagupan’, na nakatayo hanggang ngayon.
Ang Dagupan City ay nag-iisang independent component city sa Ilocos Region at mas kilala ang lungsod dahil ipinagmamalaki nitong ang “pinakamasarap at pinakamalasang bangus sa mundo.
Samantala, nakatakdang ihatid ni City Mayor Belen Fernandez ang kanyang State of the City Address sa Hunyo 20. |ifmnews
Facebook Comments