June 20, idineklara ng Malacañang bilang National Refugee Day

Kikilalanin na ng Palasyo ng Malakanyang na National Refugee Day ang June 20.

Batay sa pinirmahang Proclamation No. 265 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nakasaad na binibigyang halaga ng Palasyo ang dignidad ng bawat tao at siniguro ang buong respeto sa karapatang pantao.

Nakasaad sa proklamasyon, inaatasan ang Inter-Agency Committee na tiyaking maayos ang mga polisiya para sa proteksyon ng refugees, stateless persons at asylum.


Ang hakbang na ito ng Palasyo ay nakapaloob sa Philippine Development Plan 2023 hanggang taong 2028 na naglalayong tulungan ang mga nangangailangan ng tulong lalo na ang mga naapektuhan ng gulo o giyera.

Nakabatay rin ang deklarasyon ng Palasyo sa taunang selebrasyon ng World Refugee Day na itinalaga ng United Nations tuwing June 20.

Facebook Comments