June 24 bilang special non-working day, idineklara sa Maynila

Manila, Philippines – Idineklara ng Malacañang na special non-working day sa darating na Hunyo 24 sa Maynila.

Batay sa inilabas na Proclamation no. 731 – ito ay bilang selebrasyon sa 448th Foundation Anniversary ng lungsod.

Ayon pa sa proklamasyon, tama lamang na mabigyan ng pagkakataon ang  mga taga-Maynila na makapagdiwang at makilahok sa mga inihandang aktibidad ng lungsod ng Maynila.


Facebook Comments