June 24, idineklarang special non-working holiday sa Maynila

Idineklara ng Palasyo ng MalacaƱang ang June 24, araw ng Lunes bilang special non-working holiday sa lungsod ng Maynila.

Ito ay kasunod na rin ng pagdiriwang ng 453rd founding anniversary ng lungsod o Araw ng Maynila.

Batay sa Proclamation No. 599, binibigyang pagkakataon ng pamahalaan ang mga Manilenyo na mag-celebrate o magdiwang ng kanilang founding anniversary.


Pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang naturang proklamasyon ngayong araw, June 19.

Facebook Comments