
Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang June 25, 2025 hanggang June 24, 2026 bilang Centennial Year of Manlilikha ng Bayan Haja Amina Appi, bilang pagkilala sa isandaang taon ng cultural excellence at heritage preservation,
Si Haja Amina Appi, ay isang master mat weaver mula sa Sama cultural community sa Tawi-Tawi, at una na ring nagawaran ng titulong Manlilikha ng Bayan o National Living Treasure dahil sa hindi mapapantayan kakayahan nito sa paghahabi.
Batay sa Proclamation No. 963, nakasaad na mandato ng Konstitusyon na i-preserba at i-promote ang cultural heritage ng Pilipinas.
Kaugnay nito, inatasan ng Pangulo ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na manguna sa koordinasyon at pamunuan ang isang buong taon ng aktibidad bilang pagkilala sa pamana ni Haja Amina Appi, at upang maisulong pa ang mas malalim na koneksyon ng indigenous arts at cultural traditions sa publiko.









