June Mar Fajardo, posibleng makuha ang record-tying fourth MVP sa 14th the PBA Leo Awards Night 2017

Sports – Posibleng makuha ng center player ng San Miguel Beerman na si June Mar Fajardo ang kanyang record-tying fourth Most Valuable Player sa 14th the PBA Leo Awards Night 2017.
Ito ang inilantad ni PBA Chief Statiscian Fidel Mangonon III ang cumulative statistical points standings ng 42nd end of season awards kahapon.
Si Fajardo ay nakapagtala ng average stats points na 38.58 sa 56 games na sinundan nina Alex Cabagnot na may 32.96 average sa 56 games, ikatlo si Terrence Romeo 32.01 ng Globalport.
Sa rekord ni Fajardo sa liga may tatlong MVP trophy na siyang nakamit noong serye ng ‎2013-2014, ‎2014-2015 at 2015-16.
Matatandaang sina Ramon Fernandez at Alvin Patrimonio noon ang unang four-time MVP winners’ ng liga.

Facebook Comments