June Mar Fajardo, tinanghal na MVP

Sports – Gaya ng inaasahan, pormal na nakamit ni San Miguel Beer center June Mar Fajardo ang kaniyang ikaapat na Most Valuable Player award sa Philippine Basketball Association.

Dahil dito nakatabla na ni Fajardo sina Ramon Fernandez at Alvin Patrimonio sa may pinakamaraming MVP award sa liga.

Hinirang naman bilang Rookie of the Year si Roger Pogoy ng ng TNT Katropa habang si Chris Ross naman ang nag uwi ng Most Improved Player award.


Si Gabe Norwood naman ang nanalo ng Samboy Lim Sportsmanship award.

Pasok naman sa First Mythical team sina Fajardo, Ross, Alex Cabagnot, Arwind Santos at Japeth Aguilar.

Kasali rin si Fajardo sa All Defensive team kasama si Ross, Jio Jalalon, Norwood at Aguilar.

Facebook Comments