Junior officers na dawit sa ilegal na droga susunod na tutukuyin ng PNP

Hindi palalagpasin ng Philippine National Police (PNP) ang mga junior officers na sangkot din sa iligal na droga.

Ito ang pagtitiyak ni PNP chief PGen. Benjamin Acorda Jr., matapos ang rekomendasyon ng 5-man advisory group na tuluyan ng alisin sa serbisyo at kasuhan ang 2 heneral at 2 koronel na idinadawit sa illegal drug trade.

Ayon kay Acorda, hindi limitado sa 3rd level officers ang kanilang imbestigasyon.


Kapag napatunayang may lower-level din na pulis na damay sa iligal na droga ay kanila itong papanagutin sa batas.

Sa ngayon tapos na ang advisory group sa paglilinis sa mga 3rd level official’s ng PNP kung saan agad itong susundan ng internal cleansing sa hanay naman ng mga junior officers’ ng Pambansang Pulisya.

Facebook Comments