Junjun Binay, banned na sa pag-upo sa anumang gov’t position

Hindi na maaaring maka-upo sa anumang pwesto sa gobyerno si dating Makati City Mayor Junjun Binay.

Ito ay matapos pagtibayin ng Court of Appeals (CA) ang ruling noong June 10, 2017 na guilty si Binay sa serious dishonesty, grave misconduct at conduct prejudicial to the best of the service dahil sa maanomalyang pagpapatayo ng P1.3 billion na Makati City Science High School Building Project noong 2007.

Nauna nang sinabi ng Office of the Ombudsman na kwestyunable ang ipinalabas na invitation to bid gayung pabor naman sa kontrator na Hilmarc’s Construction Corporation.


Nakipagsabwatan din umano si Binay sa ilan pang opisyal ng lungsod para manipulahin ang procurement para sa sampung palapag na gusali.

Ibinasura naman ng CA ang tatlo pang administrative cases base sa condonation doctrine.

Si dating Makati City Administrator Eleno Mendoza ay napatunayang administrative liable sa nasabing kaso at sinuspinde ng anim na buwan na walang sahod.

Facebook Comments