MANILA – Hawak na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang $4.6 Million na bahagi ng $81 Million Money Laundering.Personal na nagpunta sa tanggapan ng Anti-Money Laundering ang junket operator na si Kim Wong kasama ang kaniyang abugado na si Atty. Inocencio Ferrer dala ang bag na naglalaman ng $4.6 Million.Inabot din ng may tatlong oras sa pagbibilang at pag-verify sa kondisyon ng mga dolyar ang mga tauhan ng AMLC.Ayon kay Wong – ang $4.6 Million ay nais sanang kunin ng cash ng mga Chinese na kasama nina Gao Shuhua at Ding Zhize pero hindi siya pumayag.Nakahanda rin aniya niyang ibalik ang P450 Million na ibinayad sa kaniya ni Gao nang matalo ito sa casino.Giit pa ni Wong – mas maraming pera ang maaaring mababawi kung tutukan ng amlc ang remittance company na philrem kung saan may $17 Million pang naiwan.Matatandaan mula sa Rizal Commercial Banking Corporation o RCBC sa Philrem dumaan ang lahat ng $81 Million na ninakaw mula sa Central Bank of Bangladesh.
Junket Operator Na Si Kim Wong – Isinauli Na Ang 4.6 Million Dollars Na Bahagi Ng 81 Million Dollars Money Laundering
Facebook Comments