Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang 58 anyos na junkshop collector matapos pagtatagain sa Barangay San Patricio, Santa Maria, Pangasinan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, matagal na umanong may alitan ang biktima at suspek na Isang 62 anyos na lolo.
Patuloy Umano ang pangha-harass ng biktima sa suspek at madalas ang pambabato sa kanyang tahanan.
Dahil dito, pinuntahan ng suspek ang biktima at pinagtataga sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan.
Itinakbo sa ospital ang biktima ngunit kalauna’y Idineklarang dead on arrival ng doktor.
Nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta. Maria Municipal Police Station. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments