JUST AND FAIR | Mga senador na uupong impeachment court judge, hindi apektado ng pahayag ni Pangulong Duterte na kalaban niya na si Sereno

64

Manila, Philippines – Tiniyak nina Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Senador Chiz Escudero na hindi sila maiimpluwensyahan ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kalaban o kaaway na niya si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ang mga senador ang uupong judge ng impeachment court sakaling matuloy ang paglilitis kay CJ Sereno.

Ayon kay Recto, titimbangin niya ang anumang ebidensya na ihaharap sa impeachment trial at bubusiiin kung ano ang makakabuti sa taumbayan at sa buong bansa.

Binigyang-diin din naman ni Senador Chiz Escudero na mga merito at ebidensya ang kaniyang pagbabatayan.

Nirerespeto din ni Escudero ang mga pahayag ng Pangulo laban kay na Sereno pero wala siyang maaring panigan sa dalawa.

Facebook Comments