JUST MARRIED | TV host Tim Yap, kasal na!

Showbiz – Happy at thankful ngayon ang Television Host na si Tim Yap matapos siyang ikasal sa kaniyang partner na si Javi Martinez Prado na isang Events Director.
Ginanap ang kasalan ng dalawa sa New York noong pasko pero ngayon pa lamang ito nai-post sa social media kung saan mismong ang boradway singer na si Lea Salonga ang nag-share nito.
Sa instagram photo nina Tim at Javi, makikita doon na magkaholding hands sila habang suot-suot ang scarf na may nakatatak na salitang “loved” at may caption ang nasabing larawan na “married”.

Matatandaan na na-engage ang dalawa noong January 2017 kasabay ng 40th birthday ni Prado.
Samantala*,* inanunsiyo ngayon ng bandang Kamikazee ang kanilang pagbabalik sa mundo ng rakrakan matapos ang dalawang taong pahinga.
Mismong ang banda ang nagsabi na dapat abangan ng mga fans ang phase 1 ng kanilang “tagpuan tour” na gaganapin sa Cavite, Bulacan, Dubai, Baguio, Cebu, Ilocos at Iloilo.
Habang ang second phase ay sa Lucena, Laguna, Davao, Bicol, Manila, Dubai, USA, Canada, at Singapore.

Facebook Comments