Manila, Philippines – Talagang hashtag kilay is life nga naman ang ibang mga mommy kahit na nanganganak na.
Patok kasi ngayon sa mga ospital ang make-up service sa mga soon-to-be-mommy bago mag-labor lalo na’t uso ngayon ang magpost ng selfie kasama ang baby pagkatapos manganak at lalagyan pa ng hashtag just had labor o hashtag welcome to the world baby.
Nasa limang ospital ngayon sa Metro Manila ang mayroong in-house salon habang dalawa naman ang kilalang ospital na may walking distance na parlor.
Tinatayang nasa 350 pesos hanggang 500 pesos ang make-up service na ino-offer kasama na ang pag-aayos ng kilay.
Isa sa mga artistang dumaan sa make-over bago labor si Valerie ‘Bangs’ Garcia na nagtrending sa plakadong kilay kahit katatapos lang manganak sa panganay na si Amelia.
Noong October 2 naman, hindi rin halatang nanganak si regine Angeles sa picture nito kasama kanyang newborn baby.