Pinagbibitiw na sa puwesto ni Atty. Larry Gadon si Justice Antonio Carpio upang malaya umano itong makasama sa political circus ng oposisyon.
Ayon kay Gadon, hindi nito pwedeng ikatwiran na personal niyang kapasidad ang paglalabas niya ng opinyon sa South China Sea issue.
Ani Gadon, ang isyu ay posibleng maging isang legal na usapin sa Supreme Court (SC) katulad ng nangyari sa Writ of Kalikasan.
Sinumang hukom aniya ay hindi dapat nag iisyu ng public statements dahil maari nitong labagin ang judicial ethics.
Dagdag ni Gadon hindi dapat nakikialam si Justice Carpio sa mga diskarte ng Pangulo sa South China Sea issue.
Facebook Comments