Justice Carpio, dumalo sa kanyang huling flag raising ceremony sa SC

55

Manila, Philippines – Dumalo sa kanyang huling flag raising ceremony sa Korte Suprena si Senior Associate Justice at ngayon ay acting Chief Justice Antonio Carpio.

Ginawaran si Carpio ng Certificate of Appreciation at ng Plaque of recognition ng Korte Suprema sa kanyang naging malaking  kontribusyon sa hudikatura.


Sa kanyang farewell speech, pinasalamatan ni Carpio ang lahat ng kanyang mga nakatrabaho sa Kataas-Taasang hukuman sa nakalipas na halos dalawang dekada.

Si Justice Carpio ay magreretiro sa darating na Biyernes kasabay ng kanyang ika-70-taong kaarawan na siyang mandatory retirement age para sa isang mahistrado ng Supreme Court o SC.

Si Justice Carpio ay kilala sa kanyang pagiging prangka sa kanyang mga paninindigan sa pinag-aagawang bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Facebook Comments

From Advertisers