Justice Carpio, hindi sang-ayon sa topic proposals ni Roque sa WPS debate

Hindi sinang-ayunan ni Retired Supreme Court Justice Antonio Carpio ang topic proposals ni Presidential Spokesperson Harry Roque na magiging laman ng debate patungkol sa West Philippine Sea.

Ayon kay Carpio, magiging “pointless” lamang kung isasama pa sa debate ang pagkawala ng Panatag Shoal at Mischief Reef, bagay na iminungkahi ni Roque.

Ang mga ganitong paksa ay mababaling lamang ang interes ng mga tao sa mga mahahalagang isyu sa West Philippine Sea, partikular ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hawak na ng China ang buong West Philippine Sea.


Muling iginiit ni Carpio na handa siyang makipag-debate kay Pangulong Duterte o sa sinumang kanyang itatalaga para sa factual accuracy at legal implications sa Pilipinas ng mga pahayag ng Pangulo.

Facebook Comments